Isaiah 48:20
Lumabas kayo mula sa Babilonia! Tumakas kayo mula sa mga taga-Caldea! Sa tunog ng hiyaw ay ipahayag ninyo ito! Ipaalam ninyo ito, paabutin ninyo ito sa dulo ng mundo! Sabihin ninyo, 'Niligtas ni Yahweh ang kaniyang lingkod na si Jacob.'
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 19:4Nakita mo ang aking ginawa sa mga taga-Ehipto, kung paano ko kayo inakay sa pakpak ng agila at dinala kayo para sa akin.
Ezra 2:1Ito ang mga tao sa lalawigan na umakyat mula sa pagkabihag ni Haring Nebucadnezar, na siyang nagpatapon sa kanila sa Babilonia, ang mga taong bumalik sa kani-kanilang mga lungsod sa Jerusalem at sa Judea.
Isaiah 12:1Sa araw na iyon, sasabihin ninyo, “Magbibigay kami ng papasalamat sa iyo, Yahweh. Kahit na galit ka sa amin, nawala na ang iyong poot, at inaliw mo kami.
Isaiah 43:1Pero ngayon ito ang sinasabi ni Yahweh, ang siyang lumikha sa iyo, Jacob, at siyang humubog sa iyo, Israel: “huwag kang matakot, sapagkat tinubos kita; tinawag kita sa iyong pangalan, ikaw ay akin.
Isaiah 48:6Narinig ninyo ang tungkol sa mga bagay na ito; tingnan ninyo ang lahat ng mga patunay na ito; at kayo, hindi ba ninyo aaminin na totoo ang sinabi ko? Mula ngayon, mga bagong bagay ang ipapakita ko sa inyo, mga nakatagong bagay na hindi ninyo alam.
Isaiah 52:9Magsimula kayong umawit ng sabay-sabay ng may kagalakan; kayong mga guho ng Jerusalem, dahil inaliw ni Yahweh ang kanyang bayan: tinubos niya ang Jerusalem.