Isaiah 62:4
Hindi ka na kailanman tatawaging, “Pinabayaan”; ni ang inyong lupain ay kailanman tatawaging, “Malungkot.” Sa katunayan, kayo ay tatawaging “Ang aking kaluguran ay nasa kaniya,” at ang iyong lupain “May asawa,” dahil si Yahweh ay nasisiyahan sa inyo, at ang inyong lupain ay ikakasal.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Psalms 16:3Para sa mga taong banal na nasa daigdig, sila ay mararangal na tao; ang kasiyahan ko ay nasa kanila.
Isaiah 32:14Dahil ang palasyo ay iiwan, ang matataong lungsod ay pababayaan; ang burol at ang bantayang tore ay magiging mga kweba habang-buhay, isang kagalakan para sa mga ligaw na asno, isang pastulan ng mga kawan;
Isaiah 54:1“Umawit ka, baog na babae, ikaw na hindi pa nagkakaanak; ikaw ay biglang umawit nang may galak at umiyak nang malakas, kayong mga hindi pa kailanman nakaranas manganak. Dahil ang mga anak ng naulila ay mas marami kaysa sa mga anak ng babaeng may asawa,” ang sinasabi ni Yahweh.
Isaiah 54:6Dahil tinatawag kayo muli ni Yahweh bilang asawa napabayaan at nagdadalamhati sa espiritu, gaya ng isang babaeng maagang nag-asawa at itinakwil, Ang sabi ng iyong Diyos.
Isaiah 61:10Ako ay lubos na magagalak kay Yahweh; sa aking Diyos ako ay labis na magsasaya. Dahil ako ay binihisan niya ng mga kasuotan ng kaligtasan; binihisan niya ako ng may balabal ng katuwiran, tulad ng isang lalaking ikakasal na ginagayakan ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng isang turban, at tulad ng isang babaeng ikakasal na nagpapaganda sa kaniyang sarili ng kaniyang mga hiyas.
Isaiah 62:12Kayo ay tatawagin nilang, “Ang bayang banal; ang tinubos ni Yahweh,” at tatawagin kayong “Tanyag; isang lungsod na hindi pinabayaan.”