Isaiah 63:18
Ang bayan mo ang nagmay-ari ng iyong banal na lugar sa maiksing panahon, pero pagkatapos niyurakan ito ng aming mga kaaway.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 19:4Nakita mo ang aking ginawa sa mga taga-Ehipto, kung paano ko kayo inakay sa pakpak ng agila at dinala kayo para sa akin.
Deuteronomy 26:19Si Yahweh ay kinilala ngayon na ilalagay niya kayo ng mataas sa ibabaw ng lahat ng ibang mga bansang ginawa niya, sa respeto para papurihan, para sa pagkakilala, at para prangalan. Kayo ay magiging mga taong ibinukod para kay Yahweh na inyong Diyos, gaya ng sinabi niya.”
Psalms 79:1O Diyos, ang mga dayuhang bansa ay dumating sa iyong pamana; dinungisan nila ang iyong banal na templo; ginawa nilang isang bunton ng pagkawasak ang Jerusalem.
Isaiah 64:9Yahweh, huwag kang magalit nang labis sa amin, ni laging alalahanin ang aming mga kasalanan. Pakiusap masdan mo kaming lahat, ang iyong bayan.
Isaiah 64:11Ang aming banal at magandang templo, kung saan ang aming mga ninuno ay nagpuri sa iyo, ay nawasak ng apoy, at lahat ng mga mamahalin ay wasak na.
Lamentations 4:1Ganap na nawalan ng kinang ang ginto; nagbago ang pinakadalisay na ginto. Naibuhos ang mga banal na bato sa dulo ng bawat lansangan.