Isaiah 64:11
Ang aming banal at magandang templo, kung saan ang aming mga ninuno ay nagpuri sa iyo, ay nawasak ng apoy, at lahat ng mga mamahalin ay wasak na.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
10Ang iyong mga banal na lungsod at ang Sion ay naging isang ilang, ang Jerusalam isang kalungkutan.
Cross References
1 Kings 8:56“Nawa si Yahweh ay mapapurihan, na nagbigay ng kapahingahan sa kaniyang bayang Israel, na tumutupad ng lahat ng kaniyang mga pangako. Wala ni isang salita ang nabigo sa lahat ng mabuting pangako ni Yahweh na ginawa niya kay Moises na kaniyang lingkod.
2 Chronicles 6:4Sinabi niya, “Purihin nawa si Yahweh, ang Diyos ng Israel na nakipag-usap kay David na aking ama, at tinupad ito sa pamamagitan ng kaniyang sariling mga kamay, sinasabi,
2 Chronicles 7:6Tumayo ang mga pari, nakatayo ang bawat isa kung saan sila naglilingkod; ganoon din ang mga Levita dala ang mga kagamitan ng musika ni Yahweh na ginawa ni David sa pagbibigay ng mga pasasalamat kay Yahweh sa awitin, “Mananatili ang kaniyang tipan ng kasunduan magpakailanman.” Nagpatunog ng mga trumpeta ang lahat ng pari sa harap nila; at tumayo ang lahat ng Israelita.
2 Chronicles 36:19Sinunog nila ang tahanan ng Diyos, giniba nila ang pader ng Jerusalem, sinunog ang lahat ng mga palasyo nito, at winasak ang mga magagandang bagay sa loob nito.
Jeremiah 52:13Sinunog niya ang tahanan ni Yahweh, ang palasyo ng hari, at lahat ng mga bahay sa Jerusalem. Ganoon din sinunog niya ang lahat ng mga mahahalagang gusali sa lungsod.
Lamentations 1:10Inilagay ng kaaway ang kaniyang kamay sa lahat ng kaniyang mamahaling mga kayamanan. Nakita niya ang mga bansa na pumasok sa kaniyang santuwaryo, kahit na ipinag-utos mo na hindi sila maaring pumasok sa lugar ng pagpupulong.