Isaiah 63:3
Mag-isa kong tinapakan ang mga ubas sa pigaan, at walang sinuman mula sa mga bansa ang sumama sa akin. Tinapakan ko sila sa aking poot at dinurog ko sila sa aking matinding galit. Tumilamsik ang kanilang dugo at minantsahan ang lahat ng aking kasuotan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
2Bakit pula ang suot mo na mukhang nagpipisa ka ng mga ubas sa pigaan nito?
4Dahil inaasam-asam ko ang araw ng paghihiganti, at dumating na ang taon para sa aking pagtubos.
Cross References
2 Kings 9:33Kaya sinabi ni Jehu, “Ihagis ninyo siya.” Kaya inihagis nila si Jezabel, at tumilamsik ang kaniyang dugo sa mga pader at sa mga kabayo, tinapakan siya ni Jehu.
Isaiah 25:10Dahil dito sa bundok na ito mamamalagi ang kamay ni Yahweh; at tatapakan ang Moab sa kaniyang lugar, kahit na ang dayami na yinapakan sa isang pataba na puno ng dumi.
Isaiah 63:6Sa aking galit dinurog ko ang mga mamamayan at sa aking poot nilasing ko sila, at isinaboy ko ang kanilang dugo sa lupa.
Ezekiel 38:18Kaya darating ito sa araw na iyon kapag sasalakayin na ni Gog ang lupain ng Israel—ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh—ang matindi kong galit ay lalabas sa mga butas ng aking ilong!
Zechariah 10:5Magiging kagaya sila ng mga mandirigmang tinatapakan ang kanilang mga kaaway sa maputik na mga daan sa labanan; makikipagdigma sila sapagkat nasa kanila si Yahweh, at ipahihiya nila ang mga nakasakay sa mga kabayong pandigma.
Revelation 14:19Ibinitin ng anghel ang kaniyang karit sa lupa at tinipon ang ubas na inani sa lupa at itinapon ito sa malaking lalagyan ng alak ng poot ng Diyos.