Isaiah 63:6
Sa aking galit dinurog ko ang mga mamamayan at sa aking poot nilasing ko sila, at isinaboy ko ang kanilang dugo sa lupa.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Job 21:20Hayaan mong makita ng kaniyang mga mata ang sarili niyang pagkawasak, at hayaan mong inumin niya ang poot ng Makapangyarihan.
Psalms 75:8Dahil hawak ni Yahweh ang kopa na may bumubulang alak sa kaniyang kamay, na may halong mga pampalasa, at ibinubuhos ito. Tunay nga, ang lahat ng masasama sa daigdig ay iinumin ito hanggang sa huling patak.
Isaiah 26:5Dahil ibabagsak niya ang mga namumuhay ng mapagmataas; ang matibay na lungsod ay ibaba niya, kaniyang ibababa sa lupa; ipapantay niya ito sa alikabok.
Isaiah 49:26At ipapakain ko sa mga nang-aapi sa iyo ang sarili nilang laman; at malalasing sila sa sarili nilang dugo, na para bang alak ito; at ang buong sangkatauhan ay malalaman na Ako, si Yahweh, ang iyong Tagapagligtas at Manunubos, ang Makapangyarihan ng Jacob.”
Isaiah 51:21Pero ngayon pakinggan mo ito, ikaw na inapi at lasing, pero hindi lasing sa alak:
Jeremiah 25:16Sapagkat iinom sila at pagkatapos madarapa at tatakbo ng may kabaliwan bago ang espada na aking isusugo sa kanila.”