Isaiah 63:7
Sasabihin ko ang mga gawa ng katapatan sa tipan ni Yahweh, ang mga kapuri-puring mga ginawa niya para sa atin at ang kanyang dakilang kabutihan sa bayan ng Israel. Ang kahabagang ito ay naipakita niya sa atin dahil sa kanyang awa at sa maraming mga gawa ng katapatan sa tipan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 14:18banayad si Yahweh kung magalit at sagana sa tipan ng katapatan. Pinapatawad niya ang kasamaan at pagsuway. Hindi siya magpapawalang sala kapag dadalhin niya ang parusa ng kasalanan ng mga ninuno sa kanilang mga kaapu-apuhan, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salinlahi.'
2 Chronicles 7:10Sa ika- dalawampu't tatlong araw ng ika-pitong buwan, pina-uwi ni Solomon ang mga tao sa kanilang mga tahanan na may mga pusong masaya at nagagalak dahil sa kabutihan na ipinakita ni Yahweh kay David, kay Solomon, at sa Israel, ang kaniyang mga tao.
Nehemiah 9:19Ikaw, at ang iyong kahabagan, ay hindi nagpabaya sa kanila sa ilang. Ang haliging ulap na gagabay sa kanila sa kanilang daan ay hindi sila iniwan sa araw, maging ang haliging apoy sa gabi para bigyan ng liwanag ang kanilang daan kung saan sila maglalakad.
Nehemiah 9:27Kaya binigay mo sila sa kamay ng kanilang mga kaaway, na nagdulot ng kanilang paghihirap. At sa oras ng kanilang paghihirap, sila ay umiyak sa iyo at dininig mo sila mula sa langit at maraming beses mo silang iniligtas sa kamay ng kanilang mga kaaway dahil sa inyong dakilang awa.
Nehemiah 9:35Kahit na sa kanilang sariling kaharian, habang sila ay nagsasaya sa iyong dakilang kabutihan sa kanila, sa malaki at masaganang lupain na hinanda mo sa kanila, hindi sila naglingkod sa iyo o lumayo mula sa kanilang masasamang gawi.
Psalms 63:3Dahil higit pa sa buhay ang iyong katapatan sa tipan, magpupuri ang aking mga labi sa iyo.