Isaiah 64:5
Dumarating ka para tulungan ang mga nagagalak na gumawa kung ano ang tama, sila na nakakaalala ng iyong mga paraan at sumusunod sa mga ito. Nagalit ka ng kami ay nagkasala. Sa iyong mga paraan lagi kaming maliligtas.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 25:22Ito ang kaban na kung saan ako ay makikipagkita sa iyo. Makikipag-usap ako sa iyo mula sa aking kinalalagyan sa ibabaw ng takip ng luklukan ng awa. Ito ay magmula sa pagitan ng dalawang kerubin sa ibabaw ng kaban ng patunay na ako ay makikipag-usap sa iyo tungkol sa lahat ng mga utos na ibibigay ko sa iyo para sa mga Israelita.
Exodus 30:6Dapat ninyong ilagay ang altar ng insenso bago sa kurtina na nasa kaban ng mga kautusang tipan. Ito ay bago sa takip ng luklukan ng awa na nasa ibabaw ng kaban ng mga kautusang tipan, kung saan ako ay makikipagtagpo sa inyo.
Psalms 37:4Pagkatapos hanapin mo ang kaligayahan kay Yahweh, at ibibigay niya sa iyo ang mga naisin ng iyong puso.
Psalms 103:17Pero ang katapatan sa tipan ni Yahweh ay magpasawalang-hanggan sa mga nagbibigay parangal sa kanya. Ang kanyang katuwiran ay umaabot sa kanilang mga kaapu-apuhan.
Isaiah 1:30Dahil magiging tulad kayo ng mga owk, na ang mga dahon ay nalalanta, at tulad ng isang hardin na walang tubig.
Isaiah 27:8Sa wastong panukat ikaw ay nakipaglaban, itinaboy si Jacob at ang Israel palayo; hinayaan mo silang matangay palayo sa pamamagitan ng iyong matinding hangin, sa araw ng hanging silanganan.