Isaiah 65:18
Pero kayo ay magagalak at magsasaya nang walang hanggan sa aking lilikhain. Masdan ninyo, malapit ko nang likhain ang Jerusalem bilang isang kaligayahan, at ang kanyang mamamayan bilang isang kagalakan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Chronicles 6:41Kaya ngayon tumindig, Yahweh na Diyos, pumunta ka sa iyong lugar ng pahingahan, ikaw at ang kaban ng iyong lakas, suotan mo ng kaligtasan, Yahweh na Diyos, ang iyong mga pari, at ang iyong mga banal ay magalak sa iyong kabutihan.
Psalms 96:10Sabihin ninyo sa gitna ng mga bansa, si Yahweh ang naghahari. Ang mundo rin ay itinatag; hindi ito mayayanig. Hinahatulan niya ang mga tao nang patas.
Isaiah 12:4Sa araw na iyon, inyong sasabihin, “Magbigay ng pasasalamat kay Yahweh at tumawag sa kaniyang pangalan; sabihin ang kaniyang mga ginawa sa kalagitnaan ng mga tao, ihayag ang dakila niyang pangalan.
Isaiah 35:10Ang tinubos ni Yahweh ay babalik at darating na may pag-aawitan sa Sion, at magkakaroon ng walang hanggang kagalakan sa kanilang mga ulo; kasiyahan at kagalakan ang pupuno sa kanila; kalungkutan at pagbuntong-hininga ay mawawala.
Isaiah 44:23Umawit kayo, kayong mga kalangitan, dahil si Yahweh ay kumilos; sumigaw kayo, kayong mga nasa kailaliman ng lupa; magsimula kayong umawit, kayong mga bundok, at kayo, mga gubat, sa bawat puno; dahil tinubos ni Yahweh si Jacob, at ipapakita ang kaniyang kaluwalhatian sa Israel.
Isaiah 51:11Babalik ang mga tinubos ni Yahweh at pupunta sa Sion nang may mga sigaw ng kagalakan at may kaligayahan magpakailanman sa kanilang mga ulo; at kaligayahan at kagalakan ang mananaig sa kanila, at lalayo ang kalungkutan at pagluluksa.