Isaias 65:19
Ako ay magsasaya sa Jerusalam at magagalak sa aking bayan; ang pag-iyak at pananangis sa pagdurusa ay hindi na maririnig sa kaniya.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Psalms 144:14Pagkatapos ang ating mga baka ay magkakaroon ng maraming anak. Walang sinuman ang makakasira ng ating mga pader; doon ay walang taong itatapon at hihiyaw sa aming mga lansangan.
Isaiah 25:8Lulunukin niya ang kamatayan habang buhay, at ang Panginoong Yahweh ay pupunasan ang mga luha mula sa lahat ng mga mukha; ang mga kahihiyan ng kaniyang bayan ay aalisin niya sa mundo, dahil sinabi na ito ni Yahweh.
Isaiah 35:10Ang tinubos ni Yahweh ay babalik at darating na may pag-aawitan sa Sion, at magkakaroon ng walang hanggang kagalakan sa kanilang mga ulo; kasiyahan at kagalakan ang pupuno sa kanila; kalungkutan at pagbuntong-hininga ay mawawala.
Isaiah 51:11Babalik ang mga tinubos ni Yahweh at pupunta sa Sion nang may mga sigaw ng kagalakan at may kaligayahan magpakailanman sa kanilang mga ulo; at kaligayahan at kagalakan ang mananaig sa kanila, at lalayo ang kalungkutan at pagluluksa.
Isaiah 62:4Hindi ka na kailanman tatawaging, “Pinabayaan”; ni ang inyong lupain ay kailanman tatawaging, “Malungkot.” Sa katunayan, kayo ay tatawaging “Ang aking kaluguran ay nasa kaniya,” at ang iyong lupain “May asawa,” dahil si Yahweh ay nasisiyahan sa inyo, at ang inyong lupain ay ikakasal.
Jeremiah 31:12Pagkatapos, darating sila sa taas ng Sion na may galak. Magagalak sila dahil sa kabutihan ni Yahweh, dahil sa mais at sa bagong alak, sa langis at sa anak ng mga kawan at mga inahin. Sapagkat ang kanilang pamumuhay ay magiging katulad ng isang dinidiligang hardin at hindi na sila muling makakaramdam ng anumang kalungkutan