Isaiah 7:18
Sa panahong iyon, sisipol si Yahweh para sa isang langaw mula sa malalayong batis sa Ehipto, at isang bubuyog mula sa lupain ng Asiria.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 8:21Pero kung hindi mo paaalisin ang aking bayan, magpapadala ako ng mga kuyog ng langaw sa iyo, sa iyong mga lingkod, at sa iyong mga tauhan, at sa iyong mga bahay. Ang mga bahay ng mga taga-Ehipto ay mapupuno ng mga kuyog ng langaw, at kahit sa lupa kung saan sila nakatayo ay mapupuno ng mga langaw.
Deuteronomy 1:44Pero ang mga Amoreo, na nakatira sa maburol na bansa ay dumating laban sa inyo at hinabol kayo tulad ng mga bubuyog at tinalo kayo sa Seir, hanggang sa Horma.
Joshua 24:12Ipinadala ko ang putakti sa harap ninyo, na paalis sa kanila at sa dalawang hari ng mga Amoreo sa harapan ninyo. Ito ay hindi nangyari sa pamamagitan ng inyong espada o sa pamamagitan ng inyong pana.
Psalms 105:31Nagsalita siya, at dumating ang mga pulutong ng langaw at niknik sa buong bansa nila.
Isaiah 5:26Itataas niya ang bandila na nagbibigay-hudyat para sa malayong bansa at sisipol para sa kanila mula sa dulo ng mundo. Masdan ninyo, magmamadali at maagap silang darating.
Isaiah 13:5Nanggaling sila mula sa malayong bansa na hindi na natatanaw. Si Yahweh ang wawasak ng buong lupain gamit ang kaniyang mga instrumento ng paghahatol.