Isaiah 9:2
Ang mga taong naglalakad sa dilim ay nakakita ng isang dakilang liwanag; silang mga naninirahan sa lambak ng anino ng kamatayan, ang liwanag ay sumikat sa kanila.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Job 10:21bago ako pumunta kung saan hindi na ako makakabalik, sa lupain ng kadiliman at sa anino ng kamatayan,
Psalms 23:4Kahit na lumakad ako sa gitna ng napakadilim na anino ng lambak, hindi ko katatakutan ang kapahamakan dahil ikaw ang kasama ko; ang iyong pamalo at iyong tungkod ang nagpapayapa sa akin.
Psalms 107:14Inalis niya sila mula sa kadiliman at lumbay at nilagot ang kanilang pagkakatali.
Isaiah 50:10Sino sa inyo ang natatakot kay Yahweh? Sino ang sumusunod sa boses ng kaniyang lingkod? Sino ang naglalakad sa malalim na kadiliman nang walang liwanag? Dapat siyang magtiwala sa pangalan ni Yahweh at sumandal sa kaniyang Diyos.
Isaiah 60:19Ang araw ay hindi mo na kailanman magiging liwanag sa maghapon, ni ang liwanag ng buwan ay magliliwanag sa inyo; pero si Yahweh ang inyong magiging walang hanggang liwanag, at ang inyong Diyos ang inyong kaluwalhatian.
Micah 7:8Huwag kang magalak para sa akin, aking kaaway. Pagkatapos kung bumagsak, titindig ako. Kapag ako ay uupo sa kadiliman, si Yahweh ang magsisilbing liwanag para sa akin.