Isaiah 60:19
Ang araw ay hindi mo na kailanman magiging liwanag sa maghapon, ni ang liwanag ng buwan ay magliliwanag sa inyo; pero si Yahweh ang inyong magiging walang hanggang liwanag, at ang inyong Diyos ang inyong kaluwalhatian.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 10:21Siya ang inyong papuri, at siya ay inyong Diyos, na siyang gumawa para sa inyo ng makapangyarihan at nakakatakot na mga bagay na ito, na nakita ng inyong mga mata.
Psalms 4:2Kayong mga tao, gaano ninyo katagal papalitan ang aking karangalan ng kahihiyan? Gaano ninyo katagal mamahalin ang mga walang halaga at maghahangad ng mga kasinungalingan? Selah
Psalms 62:7Sa Diyos ang aking kaligtasan at kaluwalhatian; nasa Diyos ang saligan ng aking kalakasan at kanlungan.
Isaiah 24:23At ang buwan ay mahihiya, at ang araw ay mapapahiya, dahil si Yahweh ng mga hukbo ay maghahari sa Bundok Sion at sa Jerusalem, at sa harap ng kaniyang nakatatanda sa kaluwalhatian.
Zechariah 2:9“Ako mismo ang kukumpas ng aking kamay sa kanila, at magiging sinamsam sila para sa kanilang mga alipin.” At malalaman ninyo na si Yahweh ng mga hukbo ang nagpadala sa akin.
Revelation 21:23Hindi na kailangan ng lungsod ang araw o ang buwan para liwanagan ito dahil ang kaluwalhatian ng Diyos ang nagliliwanag dito, at ang kaniyang ilawan ay ang Kordero.