James 2:25
Sa parehong paraan din hindi ba't si Rahab na nagbebenta ng aliw ay napawalang sala sa pamamagitan ng gawa, nang tinanggap niya ang mga mensahero at pinaalis sila sa pamamagitan ng ibang daan?
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Joshua 2:1Pagkatapos palihim na ipinadala ni Josue anak ni Nun ang dalawang lalaki mula sa Sittim bilang mga espiya. Sinabi niya, “Lumakad kayo, manmanan ang buong lupain, lalung-lalo na ang Jerico.” Umalis sila at dumating sa bahay ng isang bayarang babae na nagngangalang Rahab, at nanatili sila doon.
Joshua 2:6Pero dinala niya sila sa bubong at itinago sila gamit ang mga tangkay ng lino na kaniyang nilatag sa bubong.
Joshua 2:19Sinuman ang lalabas sa mga pintuan ng iyong bahay patungo sa lansangan, ang kanilang dugo ay nasa kanilang sariling mga ulo at wala kaming pananagutan. Pero kung may isang kamay na manakit sa sinumang kasama mo sa bahay, ang kaniyang dugo ay nasa aming mga ulo.
Joshua 6:22Pagkatapos sinabi ni Josue sa dalawang lalaking nagmanman sa lupain, “Puntahan ang bahay ng bayarang babae. Dalhin palabas ang babae at lahat ng kasama niya, ayon sa inyong sumpa sa kaniya.”
Matthew 21:31Alin sa dalawang anak na lalaki ang sumunod sa kalooban ng kanilang ama?” Sabi nila, “Ang nauna.” Sinabi ni Jesus sa kanila, “Totoo itong sinasabi ko sa inyo na ang mga maniningil ng buwis at ang mga babaing nagbebenta ng aliw ay mauunang makapasok sa kaharian ng Diyos bago kayo.
James 2:18Ngunit may isang magsasabing, “Mayroon kang pananampalataya, at mayroon akong gawa.” Ipakita mo sa akin ang iyong pananampalataya na walang gawa, at ipapakita ko sa iyo ang aking pananampalataya sa pamamagitan ng aking mga gawa.