James 2:5
Makinig kayo, mga minamahal kong kapatid, hindi ba pinili ng Diyos ang mga mahihirap sa mundong ito upang maging mayaman sa pananampalataya at manahin ang kaharian na ipinangako sa kanila na nagmamahal sa kaniya?
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 20:6Pero magpapakita ako ng katapatan sa tipan sa libu-libong mga nagmamahal sa akin at susunod sa aking mga utos.
1 Samuel 2:30Sapagka't si Yahweh, ang Diyos ng Israel, nagsasabing, 'Nangako ako na ang inyong bahay, at ang bahay ng inyong ninuno, ay lalakad sa harap ko magpakailanman.' Ngunit ngayon sinasabi ni Yahweh, 'Malayong gawin ko ito, sapagka't pararangalan ko yaong nagpaparangal sa akin, ngunit yaong mga humahamak sa akin ay hindi papahalagahan.
Job 34:10Kaya makinig kayo sa akin, kayong mga matatalino: malayong gawin ng Diyos na gumawa ng kasamaan; malayong gawin ng Makapangyarihan na magkasala.
Job 38:14Nagbago ang anyo ng mundo gaya ng luwad na nagbabago sa ilalim ng tatak; nangingibabaw ang lahat ng naroroon gaya ng mga tiklop na piraso ng damit.
Proverbs 8:17Mahal ko silang mga nagmamahal sa akin, at silang mga masisipag na humahanap sa akin ay matatagpuan ako.
Isaiah 14:32Paano sasagutin ng isang tao ang mga mensahero ng bansang iyon? Si Yahweh ang nagtalaga ng Sion, at sa Sion makatatagpo ng kanlungan ang mga nahirapang bayan niya.