James 3:13
Sino sa inyo ang marunong at nakakaunawa? Hayaan ang taong iyan na ipakita ang kaniyang magandang buhay sa pamamagitan ng kaniyang mga gawa sa kapakumbabaan na nagmumula sa karunungan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 12:3Ngayon ang lalaking si Moises ay lubos na mapagpakumbaba, higit pa sa sinuman sa mundo.
Job 28:28Sa mga tao sinabi niya, 'Tingnan ninyo, ang takot sa Panginoon — iyan ang karunungan; ang lumayo sa kasamaan ay pang-unawa.”
Psalms 45:4Sa iyong kamaharlikahan matagumpay kang sumakay dahil sa pagiging mapagkakatiwalaan, kapakumbabaan at katuwiran; ituturo ng iyong kanang kamay ang mga katakot-takot na mga bagay.
Psalms 122:8Para sa mga kapakanan ng aking mga kapatid at kasamahan, sasabihin ko ngayon, “Magkaroon nawa ng kapayapaan sa inyo.”
Ecclesiastes 8:1Ano ang isang taong matalino? Ito ay isang taong nakakaalam ng kahulugan ng mga kaganapan sa buhay. Ang karunungan sa isang tao ay nagpapaningning ng kaniyang mukha, at ang katigasan sa kaniyang mukha ay nagbabago.
Isaiah 11:3Ang pagkatakot kay Yahweh ang magiging kagalakan niya; hindi siya manghahatol ayon sa nakikita ng kaniyang mga mata, ni magpapasya ayon sa naririnig ng kaniyang tainga.