Jeremiah 11:21
Kaya ito ang sinasabi ni Yahweh tungkol sa mga taga-Anatot na umuusig sa iyong buhay, “Sinabi nila, 'Hindi ka dapat mag-propesiya sa ngalan ni Yahweh, o mamamatay ka sa pamamagitan ng aming mga kamay.'
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Isaiah 30:10Sinasabi nila sa mga manghuhula, “Huwag kayong manghula”, at sa mga propeta, “Huwag kayong magpahayag sa amin ng tuwirang katotohanan; magsabi kayo sa amin ng mga bagay na magandang pakinggan; magpahayag ng mga panlilinlang;
Jeremiah 12:5Sinabi ni Yahweh, “Sapagkat kung ikaw, Jeremias ay nakipagtakbuhan sa mga nakapaang kawal at pinagod ka nila, paano ka makikipag-unahan sa mga kabayo? Kung nadapa ka sa kapatagan sa ligtas na kabukiran, paano mo gagawin sa mga kasukalan sa daan ng Jordan?
Jeremiah 20:1Si Pashur na lalaking anak ni Imer na pari—siya ang namumunong opisyal—narinig si Jeremias na nagpapahayag ng mga salitang ito sa harapan ng tahanan ni Yahweh.
Jeremiah 26:8Kaya nangyari na, nang matapos ipahayag ni Jeremias sa lahat ng tao, sa mga pari, at sa mga propeta ang ipinapasabi ni Yahweh sa kaniya, hinuli siya ng lahat ng tao at sinabi, “Tiyak na mamamatay ka!
Amos 2:12“Ngunit hinimok ninyo ang mga Nazareo upang inumin ang alak at inutusan ang mga propetang huwag magpropesiya.
Micah 2:6“Huwag kayong magpahayag ng propesiya,” sinasabi nila. “Hindi nila dapat ipahayag ang mga bagay na ito, hindi dapat dumating ang kahihiyan.”