Micah 2:6
“Huwag kayong magpahayag ng propesiya,” sinasabi nila. “Hindi nila dapat ipahayag ang mga bagay na ito, hindi dapat dumating ang kahihiyan.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Isaiah 30:10Sinasabi nila sa mga manghuhula, “Huwag kayong manghula”, at sa mga propeta, “Huwag kayong magpahayag sa amin ng tuwirang katotohanan; magsabi kayo sa amin ng mga bagay na magandang pakinggan; magpahayag ng mga panlilinlang;
Jeremiah 8:11Sapagkat ginagamot nila ang bali ng anak na babae ng aking mga tao na para bang wala itong halaga. Sinabi nila, “Kapayapaan, Kapayapaan” ngunit walang kapayapaan.
Jeremiah 26:20Samantala, may isa pang taong nagpahayag sa pangalan ni Yahweh, si Urias na anak ni Semaya na taga-Kiriat Jearim. Nagpahayag din siya laban sa lungsod at sa lupaing ito na sumasang-ayon sa lahat ng sinabi ni Jeremias.
Ezekiel 20:46“Anak ng tao, humarap ka sa mga lupain sa timog at magsalita ka laban sa timog, maghayag ka ng propesiya laban sa kagubatan ng Negev.
Amos 2:12“Ngunit hinimok ninyo ang mga Nazareo upang inumin ang alak at inutusan ang mga propetang huwag magpropesiya.
Amos 8:11Tingnan, parating na ang mga araw”—ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh— “Kapag magpapadala ako ng taggutom sa lupain, hindi sa kagutuman sa tinapay, ni pagkauhaw sa tubig, kundi sa pakikinig ng mga salita ni Yahweh.