Jeremias 12:13
Naghasik sila ng trigo ngunit umani ng tinik ng mga palumpong. Nagpakapagod sila sa pagtatrabaho ngunit walang napakinabangan. “Kaya, mahiya kayo sa inyong gawa dahil sa poot ni Yahweh.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 28:38Kukuha kayo ng maraming binhi mula sa kabukiran, pero kakaunting binhi lamang ang madadala ninyo, dahil kakainin ito ng mga balang.
Isaiah 30:1“Kaawa-awa ang mga suwail na anak,” ito ang pahayag ni Yahweh. “Gumagawa sila ng mga plano, pero hindi mula sa akin; gumagawa sila ng mga alyansa sa mga ibang bansa, pero hindi sila ginabayan ng aking Espiritu, kaya nagdadagdag sila ng kasalanan sa kasalanan.
Isaiah 55:2Bakit ninyo tinitimbang ang pilak na hindi naman tinapay? At gumagawa ng hindi naman nakasisiya? Makinig mabuti sa akin at kainin kung ano ang mabuti, at malugod kayo sa taba.
Jeremiah 3:25Humiga tayo sa kahihiyan. Takpan nawa tayo ng ating kahihiyan, sapagkat nagkasala tayo kay Yahweh na ating Diyos! Tayo mismo at ang ating mga ninuno, mula sa panahon ng ating kabataan hanggang sa kasalukuyan ay hindi nakinig sa tinig ni Yahweh na ating Diyos.
Jeremiah 25:37Kaya ang mapayapang pastulan ay mawawasak sapagkat labis ang galit ni Yahweh.
Micah 6:15Ikaw ay magtatanim ngunit hindi ka mag-aani, ikaw ay magpipiga ng olibo ngunit hindi mo mapapahiran ng langis ang iyong sarili. Ikaw ay magpipisa ng ubas ngunit hindi ka makakainom ng alak.