The Bible Software
bible.softwareJeremiahJeremiah 13 › Jeremiah 13:10

Jeremiah 13:10

Ang mga masasamang taong ito na tumangging makinig sa aking mga salita, mga taong lumalakad sa katigasan ng kanilang mga puso, mga taong sumusunod sa ibang mga diyos upang sumamba at yumukod sa kanila, magiging katulad sila ng damit-panloob na ito na maganda na naging walang halaga.

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

This evil people, which refuse to hear my words, which walk in the imagination of their heart, and walk after other gods, to serve them, and to worship them, shall even be as this girdle, which is good for nothing.

In Context

9“Sinasabi ito ni Yahweh: Sa parehong paraan, wawasakin ko ang labis na kayabangan ng Juda at Jerusalem.

11Sapagkat gaya ng isang damit-panloob na dumikit sa baywang ng isang tao, ginawa ko ang buong sambahayan ng Israel at ang buong sambahayan ng Juda na kumapit sa akin, na magiging aking mga tao na magbibigay sa akin ng katanyagan, kapurihan at karangalan. Ngunit hindi sila nakikinig sa akin. Ito ang pahayag ni Yahweh.

Read all of Jeremiah 13

Cross References

Numbers 14:11Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Hanggang kailan ba ako kamumuhian ng mga taong ito? Hanggang kailan sila mabibigong magtiwala sa akin, sa kabila ng lahat ng palatandaan ng aking kapangyarihan na aking ginawa sa kanila?

Psalms 78:8Pagkatapos, hindi sila magiging katulad ng kanilang mga ninuno, na matigas ang ulo at rebeldeng salinlahi, salinlahi na hindi tama ang mga puso, at hindi mapagkakatiwalaan at hindi tapat sa Diyos.

Isaiah 3:24Sa halip na matamis na pabango, magkakaroon ng masangsang na amoy, at sa halip na laso ay lubid, sa halip na buhok na maganda ang gupit ay pagkakalbo, at sa halip na balabal ay panakip sa sako, at kahihiyan sa halip na kagandahan.

Jeremiah 5:23Ngunit matitigas ang puso ng mga taong ito. Naghimagsik sila at lumayo.

Jeremiah 7:24Ngunit hindi sila nakinig o nagbigay pansin. Namuhay sila sa pamamagitan ng mga mapagmataas na balak ng kanilang mga masasamang puso, kaya sila ay paurong at hindi pasulong.

Jeremiah 9:13Sinasabi ni Yahweh, “Dahil ito sa pagtalikod nila sa kautusan na aking ibinigay sa kanila at dahil hindi nila pinakinggan ang aking tinig o ipinamuhay ito.

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)Kinh Thánh (Tiếng Việt)

Study Jeremiah 13:10

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← Jeremiah 13:9Jeremiah 13Jeremiah 13:11 →