Jeremiah 13:16
Bigyan ng karangalan si Yahweh na inyong Diyos bago siya magdulot ng kadiliman at bago siya maging dahilan ng pagkatisod ng inyong mga paa sa mga bundok sa takip-silim. Sapagkat naghahangad kayo para sa liwanag ngunit labis niyang padidilimin ang lugar na magiging isang maitim na ulap.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
15Makinig kayo at bigyang pansin. Huwag kayong maging mayabang, sapagkat sinasabi Yahweh.
Cross References
Joshua 7:19Pagkatapos sinabi ni Josue kay Achan, “Aking anak, sabihin mo ang katotohanan sa harap ni Yahweh, ang Diyos ng Israel, at ibigay mo ang iyong pagtatapat sa kaniya. Pakiusap sabihin mo sa akin kung ano ang iyong nagawa. Huwag mo itong itago sa akin.”
Psalms 29:2Ibigay kay Yahweh ang karangalan na nararapat sa kaniyang pangalan; sambahin si Yahweh sa pananamit na naaangkop para sa kaniyang kabanalan.
Psalms 96:7Iukol kay Yahweh, kayong mga angkan ng mga tao, iukol kay Yahweh ang kaluwalhatian at kalakasan.
Ecclesiastes 11:8Kung may taong mabubuhay ng maraming mga taon, hayaan mo siyang sumaya sa lahat ng iyon, ngunit hayaan mo siyang isipin ang paparating na mga araw ng kadiliman, dahil marami sila. Lahat ng darating ay naglalahong usok.
Isaiah 5:30Sa araw na iyon, aatungal sila laban sa kanilang biktima gaya ng pag-ugong ng dagat. Kung titingnan ng isang tao ang lupain, kadiliman at kalungkutan ang kaniyang makikita, at tatakpan ng mga ulap ang liwanag.
Isaiah 59:9Kaya ang katarungan ay malayo mula sa amin, ni ang katuwiran ay nakararating sa amin. Kami ay naghihintay sa liwanag, pero kadiliman ang nakikita, naghahanap kami ng kaningningan, pero naglalakad kami sa kadiliman.