Lamentations 2:10
Nakaupo sa lupa at tahimik na nagdadalamhati ang mga nakatatanda ng anak na babae ng Zion. Nagsabog sila ng alabok sa kanilang mga ulo; nakasuot sila ng telang magaspang. Ibinaba ng mga birhen ng Jerusalem ang kanilang mga ulo sa lupa.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Joshua 7:6Pagkatapos pinunit ni Josue ang kaniyang mga kasuotan. Siya at mga nakatatanda ng Israel ay naglagay ng alikabok sa kanilang ulo at iniyuko ang mukha sa lupa sa harapan ng kaban ni Yahweh, nanatili sila roon hanggang gabi.
Job 2:12Nang tumanaw sila sa kalayuan, hindi nila agad nakilala si Job, napahiyaw sila at humagulgol sa iyak; pinunit ng bawat isa ang kani-kaniyang damit, nagsaboy ng abo sa hangin at sa kanilang mga ulo.
Isaiah 3:26Ang tarangkahan ng Jerusalem ay magluluksa at maghihinagpis, at mag-isa siyang uupo sa lupa.
Isaiah 36:22Kaya si Eliakim anak ni Hilkias, na namumuno sa sambahayan, Sebna ang escriba, at Joa anak ni Asaf, ang tagapagtala, ay nagtungo kay Hezekias nang punit ang kanilang damit, at iniulat sa kanya ang mga sinabi ng pinunong kumander.
Isaiah 47:5Maupo ka sa katahimikan at pumunta ka sa kadiliman, anak na babae ng mga taga-Caldea; dahil hindi ka na tatawagin na Reyna ng mga kaharian.
Lamentations 1:1Ang lungsod na minsan ay puno ng mga tao ay nakaupo ngayong ganap na malungkot! Naging katulad siya ng isang balo, bagaman isa siyang makapangyarihang bansa! Naging prinsesa siya sa mga bansa, ngunit ngayon ay sapilitang inalipin!