Jeremiah 17:21
Ito ang sinasabi ni Yahweh: “Maging maingat kayo alang-alang sa inyong mga buhay at huwag kayong magpapasan ng mabibigat sa Araw ng Pamamahinga upang dalhin ito sa tarangkahan ng Jerusalem.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 15:32Habang nasa ilang ang mga tao ng Israel, nakasumpong sila ng isang lalaking namumulot ng kahoy sa araw ng Pamamahinga.
Deuteronomy 4:15Kaya maging maingat sa inyong mga sarili, dahil wala kayong nakitang anumang anyo nang araw na iyon na nagsalita si Yahweh sa Horeb sa kalagitnaan ng apoy.
Deuteronomy 11:16Bigyang pansin ang inyong mga sarili, para hindi malinlang ang inyong puso, at kayo'y lumihis at sumamba sa ibang mga diyus-diyosan, at yumukod sa kanila;
Nehemiah 13:15Sa mga araw na iyon nakita ko sa Juda ang mga taong umaapak sa mga pigaan ng ubas sa Araw ng Pamamahinga at nagpapasok ng mga tumpok ng butil at isinasakay ang mga ito sa mga asno, at pati alak, mga ubas, mga igos, at lahat ng uri ng mga mabibigat na pasanin, na dinala nila sa Jerusalem sa Araw ng Pamamahinga. Tinutulan ko sila sa pagtitinda ng pagkain sa araw na iyon.
Proverbs 4:23Panatilihing ligtas ang iyong puso at bantayan ito nang may buong sigasig, dahil mula dito dumadaloy ang mga bukal ng buhay.
Jeremiah 17:22At huwag kayong magdala ng pasan mula sa inyong bahay sa Araw ng Pamamahinga. Huwag kayong gagawa ng anumang gawain, kundi ilaan ninyo ang Araw ng Pamamahinga kay Yahweh, gaya ng aking inutos sa inyong mga ninuno na gawin.