Jeremias 2:35
Sa halip, sa lahat ng bagay na ito, patuloy mong sinasabi, 'Wala akong kasalanan, tiyak na hindi ibabaling ni Yahweh ang galit sa akin.' Ngunit tingnan mo! Mahahatulan ka sapagkat sinabi mo, 'Hindi ako nagkasala.'
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Job 33:9“Malinis ako at walang pagkakasala; ako ay inosente, at ako ay walang kasalanan.
Isaiah 58:3Bakit tayo nag-ayuno; sinabi nila, “pero hindi ninyo nakikita ito? Bakit tayo nagpakumbaba, pero hindi ninyo napapansin?” Pagmasdan ninyo, sa araw ng inyong pag-aayuno ang sarili ninyong kasiyahan ang inyong hinahanap at pinapahirapan ang lahat ng inyong mga manggagawa.
Jeremiah 2:23Paano mo nasasabi, “Hindi ako nadungisan! Hindi ako sumunod sa mga Baal? Tingnan mo ang iyong pag-uugali sa mga lambak! Unawain mo ang iyong ginawa, para kang kamelyo na nagmamadaling tumakbo sa sarili nitong daan!
Jeremiah 16:10At kung nangyari ito, ibalita mo sa lahat ang mga salitang ito sa mga tao, at sasabihin nila sa iyo, “Bakit niloob ni Yahweh ang lahat ng malaking sakunang ito sa atin? Anong kasamaan at kasalanan ang aming nagawa laban sa ating Diyos na si Yahweh?
Romans 7:9Minsan akong nabuhay na wala ang kautusan, ngunit nang dumating ang kautusan, muling nabuhay ang kasalanan at namatay ako.