Jeremias 2:5
Ito ang sinasabi ni Yahweh, “Ano ang pagkakamaling nakita sa akin ng inyong mga ama upang lumayo sila sa pagsunod sa akin? At sumunod sila sa mga walang kabuluhang diyus-diyosan at sila mismo ay naging walang kabuluhan?
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
4Pakinggan ninyo ang salita ni Yahweh, sambahayan ni Jacob at bawat pamilya sa sambahayan ng Israel.
Cross References
Deuteronomy 32:21Pinagselos nila ako sa pamamagitan diyos na hindi totoo at ginalit ako ng kanilang mga walang halagang diyus-diyosan. Papainggitin ko sila sa pamamagitan ng hindi ko bayan, gagalitin ko sila sa pamamagitan ng isang bansa na walang pang-unawa.
2 Kings 17:15Tinanggihan nila ang kaniyang kautusan at ang tipang ginawa sa pagitan niya at kanilang mga ninuno, at mga utos sa tipan na kaniyang binigay sa kanila. Sinunod nila ang mga walang kabuluhang kaugalian at maging sila mismo ay naging walang kabuluhan. Sinundan nila ang mga paganong bansang nakapaligid sa kanila, silang pinag-utos na Yahweh na huwag gagayahin.
Isaiah 5:3Kaya ngayon, mga naninirahan sa Jerusalem at mga mamamayan sa Juda, kayo ang humatol sa akin at sa aking ubasan.
Isaiah 43:22Pero hindi ka tumawag sa akin, Jacob; Ikaw ay nagsawa na sa akin, O Israel.
Jeremiah 2:31Kayong mga nabibilang sa salinlahing ito! Bigyan ninyo ng pansin ang aking salita, ang salita ni Yahweh! Naging ilang ba ako sa Israel? O naging lupain ng matinding kadiliman? Bakit sinasabi ng aking mga tao, 'Maglibot tayo, hindi na kami pupunta sa iyo kailanman'?
Jeremiah 10:14Naging mangmang ang mga tao na walang kaalaman. Nailagay sa kahihiyan ang bawat panday dahil sa kaniyang diyus-diyosan sapagkat manlilinlang ang mga ginawa niyang imahen at walang buhay ang mga ito.