Jeremiah 21:10
Sapagkat nagpasya ako laban sa lungsod na ito upang magdala ng sakuna, at hindi ang magdala ng kabutihan—ito ang pahayag ni Yahweh. Ito ay naibigay sa kamay ng haring Babilonia, at susunugin niya ito.'
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
11Tungkol sa sambahayan ng haring Juda, makinig sa salita ni Yahweh.
Cross References
Leviticus 17:10At sinuman sa Israel, o sinumang dayuhang naninirahan sa kanila, na kumain ng kahit anong dugo, itatalikod ko ang aking mukha laban sa mga taong iyon, sa sinumang kumain ng dugo; ititiwalag ko siya mula sa kanyang bayan.
Leviticus 26:17Tatalikuran ko kayo at dadaigin kayo ng inyong mga kaaway. Pamumunuan kayo ng mga taong galit sa inyo at tatakas kayo kahit walang humahabol sa inyo.
Psalms 34:16Si Yahweh ay laban sa mga gumagawa ng masama, para burahin ang kanilang alala sa mundo.
Jeremiah 26:6kaya gagawin ko ang tahanang ito na tulad ng Shilo. Gagawin kong isinumpa ang lungsod na ito sa paningin ng lahat ng mga bansa sa lupa.'”
Jeremiah 32:29Darating ang mga Caldeo na nakikipaglaban sa lungsod na ito at susunugin ang lungsod na ito, kasama ang mga bahay kung saan ang mga bubungan ay pinagsambahan ng mga tao kay Baal at pinagbuhusan ng mga inuming handog sa ibang diyos upang galitin ako.
Jeremiah 34:22Tingnan ninyo, magbibigay ako ng isang utos—ito ang pahayag ni Yahweh—at ibabalik ko sila sa lungsod na ito upang makipagdigma laban dito at sasakupin, at sunugin nila ito. Sapagkat gagawin kong nawasak na mga lugar ang mga lungsod ng Juda kung saan walang makakatira roon.'''