Jeremiah 33:21
kung gayon ay magagawa rin ninyong sirain ang aking tipan kay David na aking lingkod, nang sa gayon hindi na siya magkakaroon ng isang anak na lalaking uupo sa kaniyang trono, at ang aking tipan sa mga paring Levita, na aking mga lingkod.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Samuel 23:5Tunay nga, hindi ba gaya nito ang aking sambahayan sa harapan ng Diyos? Hindi ba gumawa siya ng tipan sa akin na walang hanggan, maayos at tiyak sa kahit na anong paraan? Hindi ba pinalago niya ang aking kaligtasan at tinupad ang aking bawat naisin?
2 Chronicles 21:7Gayunman, ayaw ni Yahweh na wasakin ang sambahayan ni David, dahil sa kasunduan na kaniyang ginawa kay David; siya ay nangako na lagi siyang bibigyan ng buhay at ang kaniyang mga kaapu-apuhan.
Psalms 89:36ang kaniyang mga kaapu-apuhan at ang kaniyang trono ay magpapatuloy magpakailanman na kasing tagal ng araw sa aking harapan.
Psalms 132:17Doon palalakihin ko ang sungay ni David; inilagay ko ang lampara doon para sa hinirang ko.
Isaiah 55:3Ikiling ang inyong mga tainga at lumapit sa akin! Makinig, upang kayo ay mabuhay! Tiyak na gagawa ako ng walang hanggang tipan sa inyo, ang mga gawa ng katapatan sa tipan na ibinigay kay David.
Jeremiah 33:18ni ang isang lalaki mula sa mga Levitang pari ay magkukulang sa aking harapan na magtaas ng mga sinunog na handog, upang maghandog ng mga pagkaing susunugin, at upang maghandog ng mga butil sa lahat ng panahon.'”