Jeremiah 34:13
“Sinasabi ito ni Yahweh, ang Diyos ng Israel, 'Ako mismo ang nagtatag ng isang kasunduan sa inyong mga ninuno sa panahong inilabas ko sila mula sa lupain ng Egipto, mula sa tahanan ng pagkakaalipin. Iyon ay nang sinabi ko,
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
12Kaya ang salita ni Yahweh ay dumating kay Jeremias at sinabi,
Cross References
Exodus 13:14Sa darating na panahon, kapag nagtanong ang iyong anak na lalaki, “Ano ang ibig sabihin nito?' pagkatapos sabihin mo sa kaniya, 'Nakalabas tayo mula sa Ehipto sa pamamagitan ng lakas ng kamay ni Yahweh, mula sa bahay ng pagkaalipin.
Exodus 24:3Pumunta si Moises sa mga tao at sinabi ang lahat ng mga salita ni Yahweh at mga palatuntunan. Sumagot ang lahat ng mga tao na may isang tinig at sinabing, “Gagawin namin ang lahat ng mga salita na sinabi ni Yahweh.
Deuteronomy 5:2Gumawa si Yahweh na ating Diyos ng isang tipan sa atin sa Horeb.
Deuteronomy 5:27Para sa iyo, kailangan mong umalis at makinig sa lahat ng bagay na sasabihin ni Yahweh na ating Diyos; sabihing muli sa amin ang lahat ng bagay na sinabi ni Yahweh; makikinig kami at susundin ito.'
Deuteronomy 7:8pero dahil minamahal niya kayo at ninais niya na manatili ang pangako niya sa inyong mga ama. Ito ang dahilan kung bakit si Yahweh ay inilabas kayo sa isang makapangyarihang kamay at itinubos kayo palabas sa bahay ng pagkakaalipin, mula sa kamay ng Paraon, hari ng Ehipto.
Deuteronomy 13:10Babatuhin ninyo siya hanggang sa kamatayan sa pamamagitan ng mga bato, dahil sinubukan niyang hilain kayo palayo mula kay Yahweh na inyong Diyos, na nagdala sa inyo palabas sa lupain ng Ehipto, palabas sa bahay ng pagkaalipin.