Exodo 24:3
Pumunta si Moises sa mga tao at sinabi ang lahat ng mga salita ni Yahweh at mga palatuntunan. Sumagot ang lahat ng mga tao na may isang tinig at sinabing, “Gagawin namin ang lahat ng mga salita na sinabi ni Yahweh.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 19:8Lahat ng tao ay magkakasabay na sumagot at sinabing, “Gagawin namin ang lahat ng sinabi ni Yahweh.” Pagkatapos ipinarating ni Moises ang mga salita ng mga tao kay Yahweh.
Exodus 24:7Kinuha niya Ang Aklat ng Tipan at binasa ito ng malakas sa mga tao. Sinabi nila, “Gagawin namin ang lahat ng sinabi ni Yahweh. Magiging masunurin kami.”
Deuteronomy 4:5Tingnan ninyo, tinuro ko sa inyo ang mga batas at panuntunan, gaya ng iniutos ni Yahweh na aking Diyos, na dapat ninyong gawin sa kalagitnaan ng lupain kung saan kayo patungo para maangkin ninyo ito.
Deuteronomy 5:1Tinawag ni Moises ang lahat ng Israelita at sinabihan sila, “Makinig sa akin, Israel, sa mga batas at mga kautusan na aking sasabihin sa inyong mga tainga ngayon, para pag-aralan at panatilihin ito.
Deuteronomy 5:31Pero para sa iyo, tumayo ka dito sa aking tabi, at sasabihin ko sa iyo ang lahat ng mga utos, ang mga batas, at ang mga panuntunan na ituturo mo sa kanila, para kanilang sundin ang mga ito sa lupain na ibibigay ko sa kanila para ariin.'
Deuteronomy 11:1Sa gayon ay iibigin ninyo si Yahweh na inyong Diyos at palaging susundin ang kaniyang mga tagubilin, kaniyang mga batas, kaniyang mga panuntunan at kaniyang mga utos.