Jeremias 34:3
Hindi ka makakatakas mula sa kaniyang kamay, sapagkat tiyak na masasakop at mapapasakamay ka niya. Titingin ang iyong mga mata sa mata ng hari ng Babilonia, kakausapin ka niya ng harap-harapan sa pagpunta mo sa Babilonia.'
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Jeremiah 21:7Pagkatapos nito— ito ang pahayag ni Yahweh—si Zedekias na hari ng Juda, ang kaniyang mga lingkod, ang mga tao, at ang sinumang natira sa lungsod na ito pagkatapos ng salot, ang espada at ang kagutuman—ipapasakamay ko silang lahat kay Nebucadnezar na hari ng Babilonia, na kanilang mga kaaway at sa mga naghahangad ng kanilang buhay. At papatayin niya sila gamit ang talim ng espada. Hindi niya sila kaaawaan, ililigtas, o kahahabagan.'
Jeremiah 34:21Kaya ibibigay ko si Zedekias na hari ng Juda at ang kaniyang mga pinuno sa kamay ng kanilang mga kaaway at sa mga naghahangad ng kanilang buhay at sa kamay ng hukbo ng hari ng Babilonia na tumindig laban sa inyo.
Jeremiah 38:18Ngunit kapag hindi ka lalabas patungo sa mga opisyal ng hari ng Babilonia, ibibigay ang lungsod na ito sa kamay ng mga Caldeo. Susunugin nila ito, at hindi ka makakatakas sa kanilang mga kamay.”
Jeremiah 39:4Nangyari nang makita sila ni Zedekias, na hari ng Juda, at ng lahat ng kaniyang mga mandirigmang kalalakihan, tumakas sila. Lumabas sila sa gabi mula sa lungsod sa pamamagitan ng daanan sa hardin ng hari, sa tarangkahan sa pagitan ng dalawang mga pader. Umalis ang hari patungo sa Araba.
Jeremiah 52:11Pagkatapos dinukot niya ang mga mata ni Zedekias, at iginapos siya ng tansong tanikala at dinala siya sa Babilonia. Ikinulong siya ng hari ng Babilonia hanggang sa araw ng kaniyang kamatayan.
Ezekiel 17:16Habang ako ay nabubuhay! — ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh— siya ay tiyak na mamamatay sa lupain ng hari na gumawa sa kaniya bilang hari, ang hari na siyang gumawa ng panunumpang hinamak niya at sa kasunduan na hindi niya sinunod. Siya ay mamamatay sa gitna ng Babilonia!