Jeremiah 39:4
Nangyari nang makita sila ni Zedekias, na hari ng Juda, at ng lahat ng kaniyang mga mandirigmang kalalakihan, tumakas sila. Lumabas sila sa gabi mula sa lungsod sa pamamagitan ng daanan sa hardin ng hari, sa tarangkahan sa pagitan ng dalawang mga pader. Umalis ang hari patungo sa Araba.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 26:17Tatalikuran ko kayo at dadaigin kayo ng inyong mga kaaway. Pamumunuan kayo ng mga taong galit sa inyo at tatakas kayo kahit walang humahabol sa inyo.
Deuteronomy 28:25Si Yahweh ang magdudulot na pabagsakin kayo sa harapan ng inyong mga kaaway; lalabas kayo sa isang daanan laban sa kanila, at tatakas sa pitong mga daanan sa harapan nila. Pagpapasa-pasahan kayo doon at saanman sa lahat ng kaharian ng mundo.
2 Kings 25:4Pagkatapos pinasok ang lungsod, at kinagabihan tumakas ang lahat ng mga lumalaban na kalalakihan sa gabi sa pamamagitan ng tarangkahan sa pagitan ng dalawang pader, sa may hardin ng hari, kahit na nasa buong paligid ng lungsod ang mga Caldean. Pumunta ang hari patungo sa Araba.
Isaiah 22:3Sama-samang tumakas ang lahat ng inyong mga pinuno, pero nahuli sila nang walang dalang mga pana, nahuli silang lahat at sama samang nabihag; tumakas sila papunta sa malalayong lugar.
Isaiah 30:15Dahil ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh, Ang Banal ng Israel, “Sa panunumbalik at pagpapahinga kayo ay maliligtas; sa katahimikan at sa pagtitiwala ang inyong magiging kalakasan. Pero hindi kayo pumapayag.
Jeremiah 38:18Ngunit kapag hindi ka lalabas patungo sa mga opisyal ng hari ng Babilonia, ibibigay ang lungsod na ito sa kamay ng mga Caldeo. Susunugin nila ito, at hindi ka makakatakas sa kanilang mga kamay.”