Jeremiah 39:6
Pinatay ng hari ng Babilonia ang mga anak na lalaki ni Zedekias sa kaniyang harapan sa Ribla. Pinatay din niya ang lahat ng mga maharlikang tao ng Juda.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 21:16Pagkatapos umalis siya at naupo sa di kalayuan mula sa kanya, na parang isang tudla ng pana ang layo, dahil ang sabi niya, “Huwag ko sanang makita ang kamatayan ng bata.” Habang nakaupo siya roon sa kabila ng bata, nilakasan niya ang kaniyang boses at humagulgol siya sa iyak.
Deuteronomy 28:34sa gayon masiraan kayo ng ulo sa mga nakikita ninyo na nangyayari.
2 Kings 25:7Tungkol sa mga anak na lalaki ni Zedekias, pinatay nila sila sa harap ng kaniyang paningin. Pagkatapos dinukot niya ang kaniyang mga mata, ginapos sa mga tansong tanikala, at dinala siya sa Babilonia.
Esther 8:6Sapagkat paano ko makakayang tingnan ang kapahamakang mangyayari sa aking lahi? Paano ko matitiis na panoorin ang pagkalipol ng aking mga kamag-anak?
Jeremiah 21:7Pagkatapos nito— ito ang pahayag ni Yahweh—si Zedekias na hari ng Juda, ang kaniyang mga lingkod, ang mga tao, at ang sinumang natira sa lungsod na ito pagkatapos ng salot, ang espada at ang kagutuman—ipapasakamay ko silang lahat kay Nebucadnezar na hari ng Babilonia, na kanilang mga kaaway at sa mga naghahangad ng kanilang buhay. At papatayin niya sila gamit ang talim ng espada. Hindi niya sila kaaawaan, ililigtas, o kahahabagan.'
Jeremiah 34:19at pagkatapos lumakad sa pagitan ng mga bahagi ng toro ang mga pinuno ng Juda at Jerusalem, mga eunuko at mga pari, at lahat ng mga tao sa lupain.