Jeremiah 39:8
At sinunog ng mga Caldeo ang tahanan ng hari at ang mga tahanan ng mga tao. Ibinagsak din nila ang mga pader ng Jerusalem.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Kings 25:9Sinunog niya ang tahanan ni Yahweh, ang palasyo ng hari, at ang lahat ng mga bahay sa Jerusalem; sinunog din niya ang bawat mahalagang gusali sa lungsod.
Nehemiah 1:3Sinabi nila sa akin, “Silang mga nasa lalawigan na nakaligtas sa pagkabihag ay nasa matinding kaguluhan at kahihiyan dahil ang pader ng Jerusalem ay gumuho, at ang mga tarangkahan nito ay sinunog.”
Jeremiah 5:10Akyatin ninyo ang bakuran ng kaniyang mga ubasan at wasakin. Ngunit huwag silang lubusang wasakin. Putulin ang kanilang mga puno ng ubas, sapagkat ang mga puno ng ubas na iyon ay hindi galing kay Yahweh.
Jeremiah 9:10Aawit ako ng mga awiting panluksa at panaghoy para sa mga kabundukan, at isang awit na panlibing ang aawitin para sa kaparangan. Sapagkat nasunog ang mga ito kaya walang sinuman ang makadadaan dito. Hindi sila makaririnig ng anumang huni ng baka. Nagsilayo lahat ang mga hayop at ang mga ibon sa kalangitan.
Jeremiah 21:10Sapagkat nagpasya ako laban sa lungsod na ito upang magdala ng sakuna, at hindi ang magdala ng kabutihan—ito ang pahayag ni Yahweh. Ito ay naibigay sa kamay ng haring Babilonia, at susunugin niya ito.'
Jeremiah 34:22Tingnan ninyo, magbibigay ako ng isang utos—ito ang pahayag ni Yahweh—at ibabalik ko sila sa lungsod na ito upang makipagdigma laban dito at sasakupin, at sunugin nila ito. Sapagkat gagawin kong nawasak na mga lugar ang mga lungsod ng Juda kung saan walang makakatira roon.'''