Jeremias 4:5
Ibalita sa Juda at hayaan itong marinig sa Jerusalem. Sabihin ninyo, “Hipan ang trumpeta sa lupain.” Ihayag ninyo, 'Magtipun-tipon. Pumunta tayo sa matitibay na mga lungsod.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 10:3Dapat hipan ng mga pari ang mga trumpeta upang tipunin ang buong sambayanan sa iyong harapan sa pasukan ng tolda ng pagpupulong.
Isaiah 28:19Tuwing dumadaan ito, aanurin kayo nito, at tuwing umaga dadaan ito at sa araw at sa gabi ay darating ito. Kapag naunawaan ang mensahe, ito ay magdudulot ng matinding takot.
Jeremiah 6:1Humanap kayo ng kaligtasan, mga tao mula sa tribo ni Benjamin, sa pamamagitan ng paglisan sa Jerusalem. Hipan ang trumpeta sa Tekoa. Magbigay ng hudyat sa Beth-Hakerem, sapagkat ang kasamaan ay lumilitaw mula sa hilaga, isang matinding pagkawasak ang paparating.
Jeremiah 9:12Sino ang matalinong tao na makauunawa nito? Ano ang ipinahayag ni Yahweh sa kaniya upang maaari niya itong iulat? Bakit nawasak ang kalupaan? Nawasak ito tulad ng ilang, kung saan walang sinuman ang makadadaan dito.
Jeremiah 35:11Ngunit nang nilusob ni Nebucadnezar na hari ng Babilonia ang lupain, sinabi namin, 'Halikayo, dapat tayong pumunta sa Jerusalem upang tumakas mula sa mga hukbo ng Caldeo at ng taga-Siria.' Kaya naninirahan kami sa Jerusalem.”
Hosea 8:1“Maglagay ng isang trumpeta sa inyong mga labi. Paparating ang isang agila sa aking tahanan, si Yahweh. Nangyayari ito dahil sinuway ng mga tao ang aking kasunduan at naghimagsik laban sa aking kautusan.