The Bible Software
bible.softwareJeremiahJeremiah 44 › Jeremiah 44:13

Jeremiah 44:13

Sapagkat parurusahan ko ang mga taong naninirahan sa lupain ng Egipto tulad ng pagparusa ko sa Jerusalem sa pamamagitan ng espada, taggutom at salot.

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

For I will punish them that dwell in the land of Egypt, as I have punished Jerusalem, by the sword, by the famine, and by the pestilence:

In Context

12Sapagkat kukunin ko ang natira sa Juda na nakatakdang lumabas upang pumunta sa lupain ng Egipto upang manirahan doon. Gagawin ko ito upang silang lahat ay mamatay sa lupain ng Egipto. Mamamatay sila sa pamamagitan ng espada at taggutom. Mula sa pinakahamak hanggang sa pinakadakila mamamatay sila sa pamamagitan ng espada at taggutom. Mamamatay sila at magiging kaganapan ng panunumpa, pagsusumpa, paninisi at isang kakila-kilabot na bagay.

14Walang nakatakas o nakaligtas sa mga natira ng Juda ang pupunta at maninirahan doon sa lupain ng Egipto na makababalik sa lupain ng Juda, kahit nais nilang bumalik at manirahan doon. Walang makababalik sa kanila, maliban sa ilang makatatakas mula rito.”

Read all of Jeremiah 44

Cross References

Jeremiah 21:9Ang sinumang mananatili sa lungsod na ito ay mamamatay sa pamamagitan ng espada, kagutuman at salot; ngunit sinuman ang lalabas at magpapatirapa sa harapan ng mga Caldeo na nasa palibot ninyo ay mabubuhay. Maililigtas niya ang kaniyang sarili.

Jeremiah 24:10Magpapadala ako ng espada, taggutom, at salot laban sa kanila, lubos silang mauubos mula sa lupain na aking ibinigay sa kanila at sa kanilang mga ninuno.”

Jeremiah 42:16at ang espada na inyong kinatatakutan ay mauunahan kayo roon sa lupain ng Egipto. Ang taggutom na inyong inaalala ang hahabol sa inyo sa Egipto. At mamamatay kayo roon.

Jeremiah 42:18Sapagkat si Yahweh ng mga hukbo na Diyos ng Israel ang nagsasabi nito: Tulad ng aking matinding poot at galit na ibinuhos sa mga naninirahan sa Jerusalem, ganoon din ang aking galit na ibubuhos ko sa inyo kung pupunta kayo sa Egipto. Kayo ay magiging isang sinumpaang bagay at isang katatakutan, isang bagay sa pagsasabi ng mga sumpa, at isang bagay na kahiya-hiya. At ang lugar na ito ay hindi na ninyo muli makikita.'”

Jeremiah 44:27Tingnan ninyo, binabantayan ko sila sa kapahamakan at hindi sa kabutihan. Ang bawat tao ng Juda sa lupain ng Egipto ay mamamatay sa pamamagitan ng espada at taggutom hanggang silang lahat ay maubos na.

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)Kinh Thánh (Tiếng Việt)

Study Jeremiah 44:13

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← Jeremiah 44:12Jeremiah 44Jeremiah 44:14 →