Jeremias 49:10
Ngunit hinubaran ko si Esau. Inilantad ko ang kaniyang mga taguan kaya hindi niya maitatago ang kaniyang sarili. Nilipol ang kaniyang mga anak, mga kapatid na lalaki at mga kapitbahay at siya ay wala na.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Psalms 37:28Dahil iniibig ni Yahweh ang katarungan at hindi pinababayaan ang kaniyang tapat na mga tagasunod. Sila ay pag-iingatan magpakailanman, pero ang kaapu-apuhan ng masama ay tatanggalin.
Isaiah 14:20Gaya ng isang bangkay na tinapon sa ilalim, hindi ka makakasama sa kanila sa libingan, dahil winasak mo ang iyong lupain. Ikaw na pumatay sa iyong kababayan ay anak ng mga gumagawa ng masama at hindi na muling babanggitin kailanman.”
Isaiah 45:3at ibibigay ko sa iyo ang mga kayamanang nasa kadiliman at ang mga natatagong kayamanan, para inyong malaman na ako ito, si Yahweh, na tumatawag sa iyong pangalan, ako, ang Diyos ng Israel.
Amos 9:3Kahit na magtago sila sa tuktok ng Carmelo, doon ay hahanapin ko sila at kukunin. Kahit na magtago sila mula sa aking paningin sa kailaliman ng dagat, mula roon uutusan ko ang ahas at tutuklawin sila.
Malachi 1:3ngunit kinamuhian ko si Esau. Ginawa kong wasak na lugar ang kaniyang mga bundok at ginawa kong lugar ng mga asong gubat sa ilang ang kaniyang mga mana.”