Jeremias 49:11
Iwan ninyo ang inyong mga ulilang anak. Iingatan ko ang kanilang buhay at mapagkakatiwalaan ako ng inyong mga balo.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
Leave thy fatherless children, I will preserve them alive; and let thy widows trust in me.
In Context
Cross References
Deuteronomy 10:18Nagpapatupad siya ng katarungan para sa ulila at balo, at ipinapakita niya ang pagmamahal para sa mga dayuhan sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng pagkain at kasuotan.
Psalms 68:5Ang ama ng mga walang ama, ang hukom ng mga balo, ay Diyos sa banal na lugar kung saan siya nananahan.
Psalms 146:9Inaalagaan ni Yahweh ang mga dayuhan sa lupain; kaniyang pinapasan ang mga walang ama at mga balo, pero siya ang sumasalungat sa masasama.
Hosea 14:3Hindi kami ililigtas ng Asiria; hindi kami sasakay sa mga kabayo sa digmaan. Ni magsasabi ng anupaman sa gawa ng aming mga kamay, 'Kayo ang aming mga diyos,' sapagkat sa iyo nakatagpo ng habag ang mga taong ulila.”
Malachi 3:5“Pagkatapos lalapit ako sa inyo para sa paghahatol. Magiging isa akong mabilis na saksi laban sa mga manghuhula, sa mga mangangalunya, sa mga hindi totoong saksi, at laban sa mga nang-aapi sa mga inuupahang manggagawa sa kaniyang sahod, sila na nang-aapi sa mga balo at sa mga ulila, at naglalayo sa mga dayuhan sa kanilang mga karapatan, at laban sa mga taong hindi ako pinararangalan,” sabi ni Yahweh ng mga hukbo.
James 1:27Ito ay dalisay at walang karumihang relihiyon sa harap ng ating Diyos at Ama: para tulungan ang mga walang ama at balo sa kanilang kapighatian, at para pangalagaan ang sarili mula sa katiwaliaan ng mundo.