Jeremias 49:17
Magiging katatakutan ang Edom sa lahat ng mapapadaan dito. Ang bawat taong iyon ay manginginig at susutsot dahil sa lahat ng kapahamakan nito.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Chronicles 7:20sa panahong iyon ay bubunutin ko sila mula sa aking lupain na ibinigay ko sa kanila; at ang tahanang ito na itinalaga ko sa aking pangalan—palalayasin ko ito mula sa aking harapan, at gagawin ko itong kawikaan at isang katatawanan sa gitna ng lahat ng lahi ng tao.
Jeremiah 18:16Ang kanilang mga lupain ay magiging isang katatakutan, isang bagay ng walang hanggang panunutsut. Bawat isa na dadaan sa kaniya ay mangangatog at iiling ang kaniyang ulo.
Jeremiah 50:13Dahil sa galit ni Yahweh, walang maninirahan sa Babilonia, bagkus, magiging ganap na wasak. Manginginig ang lahat ng dadaan dito dahil sa Babilonia at susutsot dahil sa lahat ng kaniyang mga sugat.
Lamentations 2:15Ipinapalakpak ng lahat ng mga dumadaan ang kanilang kamay sa inyo. Sumusutsot sila at iniiling ang kanilang mga ulo laban sa anak na babae ng Jerusalem at sinasabi, “'Ito ba ang lungsod na tinatawag nilang 'Ang Kasakdalan ng Kagandahan,' 'Ang Kagalakan ng buong Lupa?”'
Ezekiel 35:7Gagawin kong isang mapanglaw ang Bundok ng Seir, isang mapanglaw kapag papatayin ko mula rito ang sinumang dumadaan at muling bumabalik.
Micah 6:16Ang mga kautusan na ginawa ni Omri ay sinunod, at lahat ng mga gawa ng sambahayan ni Ahab. Lumakad kayo sa pamamagitan ng kanilang payo. Kaya gagawin ko kayo na isang sirang lungsod at isang mangungutya ang mga naninirahan sa inyo at magdadala kayo ng kahihiyan bilang aking mga tao.”