Jeremias 49:8
Tumakas kayo! Umalis kayo! Manatili sa mga butas sa lupa, mga naninirahan sa Dedan. Sapagkat dadalhin ko ang kapahamakan ni Esau sa kaniya sa panahon na parurusahan ko siya.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Judges 6:2Ang kapangyarihan ng Midianita ang nagpahirap sa Israel. Dahil sa Midianita, gumawa ang bayan ng Israel ng makukublihan para sa kanilang sarili mula sa mga yungib sa mga burol, sa mga kuweba, at mga matibay na tanggulan.
Isaiah 2:21Pupunta ang mga tao sa mga kweba ng mga bato tungo sa siwang ng mga sira-sirang bato, mula sa pagkatakot kay Yahweh at sa kaluwalhatian ng karangyaan niya, kapag tumayo siya para sindakin ang mundo.
Jeremiah 6:1Humanap kayo ng kaligtasan, mga tao mula sa tribo ni Benjamin, sa pamamagitan ng paglisan sa Jerusalem. Hipan ang trumpeta sa Tekoa. Magbigay ng hudyat sa Beth-Hakerem, sapagkat ang kasamaan ay lumilitaw mula sa hilaga, isang matinding pagkawasak ang paparating.
Jeremiah 46:21Ang mga upahang kawal sa kaniyang kalagitnaan ay tila mga pinatabang toro, ngunit tatalikod at tatakbo rin sila. Hindi sila titindig ng magkakasama, sapagkat ang araw ng kanilang kapahamakan ay dumarating sa kanila, ang oras ng kanilang kaparusahan.
Jeremiah 48:28Kayong mga naninirahan sa Moab, lisanin ninyo ang mga lungsod at magkampo kayo sa mga matarik na dalisdis. Maging tulad ng isang kalapati na nakapugad sa bunganga ng butas sa mga batuhan.
Jeremiah 49:30Tumakas kayo! Magpagala-gala kayo sa malayo! Manatili kayo sa mga butas sa lupa, mga nananahan sa Hazor—ito ang pahayag ni Yahweh— sapagkat bumuo ng plano si Nebucadnezar na hari ng Babilonia laban sa inyo. Tumakas kayo! Bumalik kayo!