Jeremiah 46:21
Ang mga upahang kawal sa kaniyang kalagitnaan ay tila mga pinatabang toro, ngunit tatalikod at tatakbo rin sila. Hindi sila titindig ng magkakasama, sapagkat ang araw ng kanilang kapahamakan ay dumarating sa kanila, ang oras ng kanilang kaparusahan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 32:15Pero lumaki si Jeshurun na mataba at sumisipa, puno ng taba, matipuno, at makinis. Tinalikuran nila ang Diyos na gumawa sa kanila, at itinanggi nila ang Bato ng kaniyang kaligtasan.
2 Kings 7:6Dahil pinarinig ng Panginoon sa mga Aramean ang ingay ng mga karwahe, at ang ingay ng mga kabayo —ang ingay ng isang malaking hukbo, at sinabi nila sa isa't isa, “Inupahan ng hari ng Israel ang mga hari ng mga Hiteo at mga taga-Ehipto para pumunta laban sa amin.”
Proverbs 15:17Mas mabuti ang pagkain na may mga gulay na may mayroong pag-ibig kaysa sa isang pinatabang guya na hinain na may galit.
Isaiah 34:7Ang mababangis na baka ay kakatayin kasama nila, at ang mga batang toro na kasama ang mas nakatatanda. Ang kanilang lupain ay magiging lango sa dugo, at ang kanilang alikabok ay pinataba ng katabaan.
Jeremiah 46:5Ano ang aking nakikita rito? Napuno sila ng matinding takot at tumatakbo palayo, sapagkat natalo ang kanilang mga kawal. Tumatakbo sila upang makaligtas at hindi lumilingon. Ang matinding takot ay nasa lahat ng dako—ito ang pahayag ni Yahweh—
Jeremiah 46:15Bakit tumakbo palayo ang inyong diyos na si Apis? Bakit hindi tumatayo ang inyong diyos na toro? Ibinagsak siya ni Yahweh.