Jeremias 50:39
Kaya maninirahan ang mga mababangis na hayop sa disyerto kasama ng mga asong-gubat at maninirahan din sa kaniya ang mga inakay ng mga avestruz. At kahit kailan, wala ng maninirahan dito. Hindi na maninirahan dito ang anumang sali't salinlahi.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Isaiah 13:20Hindi na ito matitirahan o pamumuhayan mula sa saling-lahi hanggang sa isa pang saling-lahi. Hindi na itatayo ng Arabo ang kaniyang tolda doon, ni pagpapahingahin ng pastol ang kawan ng tupa doon.
Isaiah 34:11Pero ang mga mailap na ibon at hayop ay maninirahan doon; ang kuwago at ang uwak ay gagawa ng kanilang pugad dito. Iuunat niya sa ibabaw nito ang hangganan ng pagkawasak at ang panukat ng pagkasira.
Jeremiah 50:3Isang bansa mula sa hilaga ang lilitaw laban dito, upang gawing malagim ang kaniyang lupain. Walang maninirahan dito, tao man o mabangis na hayop. Tatakas sila palayo.
Jeremiah 51:26Upang hindi sila kailanman kukuha ng mga bato mula sa iyo upang gumawa ng pundasyon ng isang gusali, dahil magiging ganap kang kasiraan magpakailanman—ito ang pahayag ni Yahweh.”
Jeremiah 51:43Ang kaniyang mga lungsod ay pinabayaan na, isang tuyong lupain at ilang, isang lupain na walang naninirahan, at walang taong dumaraan.
Revelation 18:2Sumigaw siya nang may malakas na tinig sinasabing, “Bumagsak! Bumagsak ang dakilang Babilonia!” Siya ay naging tirahan ng mga demonyo, tirahan para sa bawat maruming espiritu at tirahan para sa bawat marumi at kasuklam-suklam na ibon.