Jeremias 7:32
Kaya tingnan ninyo, paparating na ang panahon na hindi na ito tatawagin na Tofet o nayon ng Ben Hinom. Magiging lambak ito ng Pagpatay, ililibing nila sa Tofet ang mga bangkay hanggang wala nang maiiwang silid doon. Ito ang pahayag ni Yahweh.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 26:30Gigibain ko ang inyong mga altar, puputulin ko ang inyong mga altar ng insenso, at itatapon ang inyong mga bangkay sa ibabaw ng bangkay ng inyong mga diyos-diyosan, at ako mismo, kasusuklaman kayo.
Jeremiah 7:31Pagkatapos, itinayo nila ang dambana ng Tofet na nasa lambak ng Ben Hinom. Ginawa nila ito upang sunugin sa apoy ang kanilang mga anak, bagay na hindi ko ipinag-utos. Hindi ito kailanman sumagi sa aking isipan.
Jeremiah 19:11Sasabihin mo sa kanila, 'Ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo: Gagawin ko ang ganitong bagay sa mga taong ito at sa lungsod na ito—ito ang pahayag ni Yahweh—gaya ng pagbasag ni Jeremias sa banga upang hindi na mabuong muli. Ililibing ng mga tao ang mga patay sa Tofet hanggang sa wala nang matirang lugar para sa mga namatay.
Jeremiah 31:40Ang buong lambak ng libingan at mga abo at ang lahat ng mga parang sa Kapatagan ng Kidron hanggang sa sulok ng Tarangkahan ng Kabayo sa silangan ay ilalaan para sa akin, kay Yahweh. Hindi na ito kayang hugutin o kaya patumbahing muli.
Ezekiel 6:5Ilalatag ko ang patay na mga katawan ng mga tao ng Israel sa harapan ng kanilang mga diyus-diyosan at ikakalat ang inyong mga buto sa palibot sa inyong mga altar.