Jeremias 7:33
Magiging pagkain ng mga ibon sa himpapawid at ng mga hayop sa lupa ang mga bangkay ng mga tao na ito at walang sinumang makakapagpaalis sa mga ito.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 28:26Magiging pagkain ang inyong patay na katawan ng lahat ng mga ibon ng kalangitan at ng mga mababangis na hayop ng mundo; wala ni isang mananakot sa kanila papalayo.
Jeremiah 8:1Ito ang pahayag ni Yahweh, “Sa panahong iyon, ilalabas nila mula sa mga libingan ang mga buto ng mga hari ng Juda at ng mga opisyal nito, ang mga buto ng mga pari at ng mga propeta at ang mga buto ng mga naninirahan sa Jerusalem.
Jeremiah 9:22'Ito ang pahayag ni Yahweh. 'Ipahayag ninyo ito, Malalaglag ang mga bangkay ng mga tao tulad ng dumi sa kabukiran at tulad ng mga tangkay ng butil sa likod ng manggagapas at walang sinuman ang magtitipon sa kanila.'”
Jeremiah 16:4Sila ay mamamatay sa sakit. Walang magluluksa para sa kanila at manlilibing. Magiging katulad sila ng dumi na nasa lupa. Sapagkat darating ang kanilang wakas sa pamamagitan ng espada at taggutom, at ang mga bangkay nila ay magiging pagkain ng mga ibon sa kalangitan at ng mga hayop sa lupa.'
Jeremiah 22:19Maililibing siya tulad ng paglibing ng isang patay na asno, kakaladkarin palayo at ihahagis sa kabila ng mga tarangkahan ng Jerusalem.
Jeremiah 34:20Ibibigay ko sila sa kamay ng kanilang mga kaaway at sa mga naghahangad ng kanilang buhay. Magiging pagkain ng mga ibon sa kalangitan at mga hayop sa lupa ang kanilang mga katawan.