Jeremias 7:4
Huwag ninyong ipagkatiwala ang inyong mga sarili sa mga mapanlinlang na salita at sabihin, “Templo ni Yahweh! Templo ni Yahweh! Templo ni Yahweh!”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Samuel 4:3Nang dumating ang mga tao sa kampo, sinabi ng nakakatanda ng Israel, “Bakit tayo pinatalo ni Yahweh ngayon sa mga Filisteo? Dalhin natin ang kaban ng tipan ni Yahweh dito mula sa Silo, upang makasama natin iyon dito, para panatilihin tayong ligtas mula sa kapangyarihan ng ating mga kaaway.”
Isaiah 59:4Walang isa man ang tumatawag sa katuwiran, at walang nagsusumamo ng kaniyang kalagayan nang totoo. Sila ay nagtitiwala sa walang kabuluhang mga salita, at nagsasabi ng mga kasinungalingan; sila ay nagbabalak ng kaguluhan at nagbubunga ng kasalan.
Jeremiah 7:8Masdan ninyo! Nagtitiwala kayo sa mga mapanlinlang na salita na hindi nakakatulong sa inyo.
Jeremiah 29:23Mangyayari ito dahil sa mga kahiya-hiyang bagay na ginawa nila sa Israel nang mangalunya sila sa asawa ng kanilang kapwa at nagpahayag ng mga salitang kasinungalingan sa aking pangalan, bagay na hindi ko kailanman iniutos upang sabihin nila. Sapagkat ako ang siyang nakakaalam, ako ang saksi. Ito ang pahayag ni Yahweh.”
Ezekiel 13:19Nilapastangan ninyo ako sa harap ng aking mga tao para lamang sa sandakot na sebada at mga durog na tinapay upang patayin ang mga tao na hindi naman dapat mamatay at upang pangalagaan ang buhay ng mga hindi dapat manatiling buhay, dahil sa mga kasinungalingan ninyo sa aking mga tao na nakarinig sa inyo.
Zephaniah 3:11Sa araw na iyon, hindi kayo malalagay sa kahihiyan dahil sa lahat ng kasamaang ginawa ninyo laban sa akin sapagkat mula sa araw na iyon, aalisin ko mula sa inyo ang mga taong nagdiwang ng inyong pagmamataas at dahil hindi na kayo magyayabang sa aking banal na bundok.