1 Samuel 4:3
Nang dumating ang mga tao sa kampo, sinabi ng nakakatanda ng Israel, “Bakit tayo pinatalo ni Yahweh ngayon sa mga Filisteo? Dalhin natin ang kaban ng tipan ni Yahweh dito mula sa Silo, upang makasama natin iyon dito, para panatilihin tayong ligtas mula sa kapangyarihan ng ating mga kaaway.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 10:35Sa tuwing ilalabas ang kaban, sasabihin ni Moises, “Tumindig ka, Yahweh. Ikalat mo ang iyong mga kaaway. Palayasin mo ang mga taong napopoot sa iyo.”
Deuteronomy 29:24sasabihin nilang lahat kasama ng lahat ng ibang mga bansa, 'Bakit ito ginawa ni Yahweh sa lupaing ito? Ano ang kahulugan ng init ng labis na galit na ito?'
Joshua 4:7Kaya sasabihin ninyo sa kanila, 'Nahati ang tubig ng Jordan sa harap ng kaban ng tipan ni Yahweh. Nang makatawid ito sa Jordan, nahati ang tubig ng Jordan. Kaya ang mga batong ito ay magiging isang alaala sa bayan ng Israel magpakailanman.”'
Joshua 7:7Pagkatapos sinabi ni Josue, “Ah Panginoong Yahweh, bakit mo dinala ang bayang ito sa kabila ng Jordan? Para ibigay kami sa mga kamay ng mga Amoreo para lipulin kami? Kung gagawa lamang kami ng magkakaibang desisyon at manatili sa ibayong dako ng Jordan!
2 Samuel 15:25Sinabi ng hari kay Zadok, “Dalhin ang kaban ng Diyos pabalik sa lungsod. Kung makakasumpong ako ng biyaya sa mga mata ni Yahweh, dadalhin niya ako pabalik dito at ipapakitang muli sa akin ang kaban at ang lugar kung saan siya naninirahan.
Psalms 74:1O Diyos, bakit mo kami laging tinatanggihan? Bakit ang iyong galit ay nag-aalab laban sa mga tupa ng iyong pastulan?