Jeremiah 9:21
Sapagkat dumating na ang kamatayan sa ating mga bintana, pupunta ito sa ating mga palasyo, pupuksain nito ang mga bata na nasa labas at mga kabataang nasa mga pamilihan ng lungsod.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Jeremiah 6:11Ngunit napuno ako ng matinding poot ni Yahweh. Napagod ako sa pagpipigil nito. Sinabi niya sa akin, “Ibuhos mo ito sa mga bata sa mga lansangan at sa mga pangkat ng mga binata. Sapagkat kukunin ang bawat lalaki kasama ang kaniyang asawa at ang bawat matanda na nabibigatan ng mga taon.
Jeremiah 8:2Pagkatapos, ikakalat nila ang mga ito sa liwanag ng araw, ng buwan at ng mga bituin sa kalangitan, ang mga bagay na ito sa langit na kanilang sinunod at pinaglingkuran, na kanilang nilapitan at hinanap at kanilang sinamba. Hindi na muling titipunin o ililibing ang mga buto. Magiging gaya sila ng dumi sa ibabaw ng lupa.
Ezekiel 9:5Pagkatapos, narinig ko siyang nagsalita sa iba, “Dumaan kayo sa lungsod na kasunod niya at pumatay! Huwag ninyong hayaang magkaroon ng awa ang inyong mga mata, at huwag mahabag
Amos 5:2Bumagsak na ang birheng Israel; hindi na siya muling makatatayo; pinabayaan siya sa kaniyang bayan; at wala ni isang tutulong upang itayo siya.
Zephaniah 1:17Sapagkat magdadala ako ng pagkabahala sa sangkatauhan, upang lumakad sila na gaya ng mga bulag na tao sapagkat nagkasala sila kay Yahweh! Ibubuhos ang kanilang dugo na gaya ng alabok at ang kanilang mga lamanloob gaya ng dumi!