Jeremias 8:2
Pagkatapos, ikakalat nila ang mga ito sa liwanag ng araw, ng buwan at ng mga bituin sa kalangitan, ang mga bagay na ito sa langit na kanilang sinunod at pinaglingkuran, na kanilang nilapitan at hinanap at kanilang sinamba. Hindi na muling titipunin o ililibing ang mga buto. Magiging gaya sila ng dumi sa ibabaw ng lupa.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 17:3sinuman ang mawala at sumamba sa ibang mga diyus-diyosan at lumuhod sa kanila, kahit na ang araw, ang buwan o anumang nasa langit—na wala sa aking sinabi
2 Kings 9:37at ang katawan ni Jezabel ay magiging tulad ng dumi sa mga bukid sa lupain ng Jezreel, kaya walang makapagsasabing, “Ito ay si Jezabel.”
2 Kings 21:3Dahil itinayo niya muli ang mga dambana na winasak ng kaniyang ama na si Hezekias, at nagtayo siya ng mga altar para kay Baal, gumawa ng poste ni Asera, gaya ng ginawa ni Ahab na hari ng Israel, at lumuhod siya sa lahat ng mga bituin ng langit at sinamba ang mga ito.
2 Kings 23:5Inalis niya ang mga pari ng mga diyus-diyosan na pinili ng mga hari ng Juda para magsunog ng insenso sa mga dambana sa mga lungsod ng Juda at sa mga lugar sa palibot ng Jerusalem - ang mga nagsunog ng insenso para kay Baal, para sa araw at sa buwan, para sa mga planeta at sa lahat ng mga butuin ng langit.
Psalms 83:10Namatay sila sa Endor at naging tulad ng pataba sa lupa.
Ecclesiastes 6:3Kung ang isang lalaki ay maging ama ng isang daang anak at mabuhay ng maraming taon, sa gayon ang mga araw ng kaniyang mga taon ay marami, ngunit kung hindi nasiyahan ang kaniyang puso sa kabutihan at siya ay hindi inilibing nang may karangalan, kaya aking sasabihin na ang isang sanggol na patay ipinanganak ay mas mabuti pa kaysa sa kaniya.