Job 1:10
Hindi ka ba gumawa ng bakod sa kaniyang paligid, sa paligid ng kaniyang bahay, at sa lahat ng kaniyang mga pag-aari? Pinagpala mo ang kaniyang hanap-buhay at pinarami mo ang kaniyang kayamanan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 26:12Nagtanim si Isaac sa lupaing iyon at umani sa parehong taon ng isang sandaang beses, dahil pinagpala siya ni Yahweh.
Genesis 30:43Naging masagana ang lalaki. Mayroon siyang maraming mga kawan, mga babaeng at lalaking lingkod, mga kamelyo at mga asno.
Genesis 49:25Dahil ang Diyos ng iyong ama, na siyang tutulong sa iyo, at dahil sa makapangyarihang Diyos na siyang magbabasbas sa iyo ng pagpapala sa kalangitan, mga pagpapala sa kailaliman na nasa ibaba, mga pagpapala sa mga dibdib at sinapupunan.
Deuteronomy 28:2Lahat ng mga biyayang ito ay dadating sa inyo at aabutan kayo, kung makinig kayo sa boses ni Yahweh na inyong Diyos.
Deuteronomy 33:27Ang walang hanggang Diyos ay isang kublihan para sa kaniyang mga tao, at sa ilalim ay ang walang hanggang mga braso. Itutulak niya palabas ang kaaway mula sa harapan ninyo, at sasabihin niya, “Wasakin!”
Job 1:3May pag-aari siyang pitong libong mga tupa, tatlong libong kamelyo, limang daang pares ng mga baka, at limang daang mga asno at napakaraming mga lingkod. Ang lalaking ito ang pinaka-dakila sa lahat ng tao sa Silangan.