Job 1:16
Habang siya ay nagsasalita pa, dumating ang isa pang lingkod at nagbalita. “Umulan ng apoy ng Diyos mula sa langit at tinupok ang mga tupa kasama na ang mga lingkod; at ako lang ang tanging nakaligtas para sabihin sa iyo.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 9:28Magdasal kayo kay Yahweh, dahil ang napakalakas na mga kidlat at ulang may yelo ay sobra na. Papaalisin ko na kayo at hindi na kayo titira dito.
Leviticus 10:2Kaya lumabas ang apoy mula sa harapan ni Yahweh at sila ay nilamon at namatay sa harapan ni Yahweh.
1 Samuel 14:15May isang kaguluhan sa kampo, sa bukid, at sa mga tao. Kahit na ang kuta at ang mananalakay ay nagkagulo. Lumindol ang mundo, at may isang malawakang kaguluhan.
2 Kings 1:10Sumagot si Elias at sinabi sa kapitan, “kung ako ay lingkod ng Diyos, bumaba sana ang apoy mula sa kalangitan at sunugin ka at ang limampung sundalo mo.” Pagkatapos bumaba ang apoy mula sa kalangitan at sinunog siya at kaniyang limampung sundalo.
2 Kings 1:14Tunay nga na bumaba ang apoy mula sa kalangitan at sinunog ang unang dalawang kapitan kasama ng kanilang mga tauhan, pero ngayon hayaan mo sana na maging mahalaga ang buhay ko sa iyong paningin.”
Amos 7:4Ito ang ipinakita sa akin ng Panginoong Yahweh: Tingnan, tumawag ang Panginoong Yahweh ng apoy upang humatol. Tinuyo nito ang napakalawak, malalim na tubig sa ilalim ng lupa at sisirain pati na rin ang kalupaan.