Job 1:18
Habang siya ay nagsasalita dumating ang isa pa at nagbalitang, “Nagkakainan at nag-iinuman ng alak ang iyong mga anak sa bahay ng kanilang panganay na kapatid.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Samuel 13:28Inutusan ni Absalom ang kaniyang mga lingkod na nagsasabing, “Makinig nang mabuti. Kapag nagsimula ng malasing si Amnon sa alak at kapag sinabi ko sa inyo na, 'Salakayin si Amnon,' patayin siya. Huwag matakot. Hindi ba't inutusan ko kayo? Maging magiting at matapang.”
Job 1:13Dumating ang isang araw habang nagkakainan at nag-iinuman ang kaniyang mga anak sa bahay ng kanilang panganay na kapatid,
Job 8:4Ang iyong mga anak ay nagkasala laban sa kaniya; Alam namin ito, dahil pinarusahan niya sila sa kanilang mga kasalanan.
Job 19:9Hinubad niya ang aking karangalan, at kinuha niya ang korona mula sa ulo ko.
Job 27:14Kapag dumami ang kaniyang mga anak, ito ay para sa tabak; ang kaniyang mga anak ay hindi kailanman magkakaroon ng sapat na pagkain.
Ecclesiastes 9:2Ang lahat ng tao ay may parehong kapalaran. Parehong kapalaran ang naghihintay sa mga matuwid na tao at makasalanan, mabuting mga tao at masama, ang malinis at marumi, at ang nag-aalay at ang hindi nag-aalay. Tulad ng pagkamatay ng mabubuting tao, ganoon din ang makasalanan. Tulad ng pagkamatay ng nanunumpa, ganoon din ang taong takot gumawa ng panunumpa.